𝗜𝗡𝗔𝗚𝗨𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗢𝗥 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗔𝗦𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa ang inagurasyon ng Center for Disease Prevention and Control sa bahagi ng Region 1 Medical Center, ngayong araw kasabay ng groundbreaking sa isasagawang Nuclear Medicine Facility.

Ang naturang kaganapan ay dinaluhan mismo ni Department of Health Secretary Dr. Teodoro ‘Ted’ Herbosa at iba pang malalaking opisyal ng lungsod – tulad na lamang ni Mayor Belen T. Fernandez, Former Speaker Joe De Venecia, Manay Gina De Venecia, at Congressman Christopher De Venecia.

Anila, ang naturang development sa pasilidad at serbisyong medikal sa mga Dagupeño ay pinag-iigting at pinagbubuti na siya ring inaangkop sa umiiral na batas ukol sa Universal Health care.

Samantala, patuloy pa rin ang pagpaplano at pagsasagawa ng iba’t-ibang proyektong pangkalusugan sa lungsod, katuwang ang lokal na pamahalaan at ng Kagawaran ng Kalusugan para sa kapakanan ng bawat Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments