Nakatakdang magtalaga ng libo-libong pulis ang Police Regional Office 1 o PRO1 sa iba’t ibang lugar sa rehiyon bilangpaghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo at iba pang lugar sa Undas.
Ayon kay PMAJ Cherry Tolentino, Regional Information Officer ng PRO1, layon ng pag-deploy ng mga pulis na matiyakang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa panahon ng paggunita sa mga yumao.
Maglalagay din ng mga Motorist Assistance Desk upang umalalay sa mga motorista, lalo na sa mga pangunahing kalsadasa rehiyon.
Inaasahang sisimulan ang mga paghahanda sa huling linggo ng Oktubre bilang bahagi ng Oplan Undas.
Kaugnay nito, hinikayat ni Tolentino ang publiko na agahan ang pagdalaw sa mga sementeryo upang maiwasan angmatinding init ng panahon at maging maayos ang paggunita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










