𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗥𝗔𝗗𝗬𝗢 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢 𝗕𝗨𝗚𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗗𝗢

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang Isang trenta’y singko anyos na ginang matapos itong paghahampasin ng kawayan sa bayan ng Calasiao.
Ang sinasabing dahilan ng away ay dahil sa maingay na Radyo ng suspek na Isang singkwenta’y-kwatro anyos na lalaki.
Ayon sa imbestigasyon, nakikinig sa kanyang transistor radio ang suspek pasado alas-diyes ng umaga.

Naingayan ang biktima sa Radyo ng suspek kung kaya’t kumuha ito ng matigas na bagay at ibinato sa bintana ng bahay ng suspek.
Dito na nagalit ang suspek at nagkaroon pa sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng sanga ng kawayan ang suspect at pinaghahampas ito sa iba’T-ibang bahagi ng Katawan.
Nagtamo ng mga sugat ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan Habang naaresto ng mga pulis ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments