Batay sa direktiba, nakasalalay sa Local Government Unit (LGU) ang desisyon sa pagdeklara ng suspensyon ng klase at trabaho sa mga tanggapan depende sa kanilang assessment.
Kabilang sa mga unang naglabas ng kautusan ang Dagupan City, na nagsuspinde ng face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw.
Ayon sa city government, isinagawa ang suspensyon dahil sa patuloy na banta ng pagbaha bunsod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinocalan River.
Inatasan din ang lahat ng paaralan sa lungsod na magpatupad ng online classes o iba pang alternatibong learning modalities, alinsunod sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Muli namang pinayuhan ang mga residente sa Pangasinan na bantayan ang mga opisyal na anunsyo ng kani-kanilang LGU, dahil maaaring magbago ang mga deklarasyon ng suspensyon depende sa lagay ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






