𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗦𝗢𝗟, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔

Arestado ang 23 anyos na si John Elaida sa isinagawang checkpoint sa Brgy. Petal, Dasol matapos itong mahuli na minamaneho ang motor na naiulat na nawawala.

Ang second hand na motor ay pagmamay-ari na ng 39 anyos na ambulance driver na si Rolando Guillermo. Iniwan umano ang motor sa harap ng kanilang bahay nang tangayin umano ito.

Narekober din sa suspek ang humigit kumulang 14 gramo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P1,680. Nakumpiska rin sa suspek ang isang hand grenade.

Nasa kustodiya ng Dasol Police Station ang suspek at haharap sa mga kasong paglabag sa RA 10883 at RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments