MGA PASAHERO AT DRIVER NG BANGKA SA DAGUPAN CITY, PAHIRAPAN MULI SA PAGBIYAHE SA GITNA NG PAG-UULAN

MGA PASAHERO AT DRIVER NG BANGKA SA DAGUPAN CITY, PAHIRAPAN MULI SA PAGBIYAHE SA GITNA NG PAG-UULAN
Mas mahirap para kay kuya Chris ang pagbiyahe ngayon bilang pasahero ng motorboat patungo ng island barangay sa Dagupan city dahil sa nararanasang tuloy-tuloy nap ag-uulan.
Aniya, wala siyang magagawa at tiis na lang muna dahil motorboat ang pinakamabilis na uri ng transportasyon patawid sa city proper at pag-uwi sa island barangay.
Nag-iingat na rin lamang ang mga pasahero sa pagsakay dahil madulas ang ilang bahagi ng daanan at nagdadala na lamang ng paying at kapote upang hindi mabasa sa oran na abutan ng ulan sa gitna ng biyahe.
Ang ilang bangkero rin, hirap ngayon sa kanilang kikitain dahil matumal umano ang biyahe, tulad na lamang ni kuya Edgar na naabutan naming naghihintay ng pasaherong tatawid sa kabilang bahagi ng ilog.
Sa ngayon, tuloy ang biyahe ng mga motorboat at de-sagwan na bangka para maihatid ang mga pasahero papunta sa city proper at pabalik sa kani-kanilang island barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments