Tuesday, August 4, 2026

House prosecution panel, nanindigan na lahat ng articles of impeachment ay malakas at suportado ng matitibay na ebidensya

Nanindigan ang House prosecution panel na lahat ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay malakas at suportado ng matitibay na mga ebidensya.

Pahayag ito ni House Prosecution Legal Spokesperson at Private Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. makaraang lumabas na survey ng OCTA na apat sa bawat sampung Pilipino o 43 percent ng respondents ang naniniwalang “bribery” o ang Article III ang pinaka-seryosong alegasyon laban kay VP Duterte at pangalawa ang alegasyon na maling paggamit ng confidential funds.

Tiwala si Tolosa na magbabago ang pananaw ng publiko sa oras na maipresenta sa impeachment trial ang mga ebidensya ukol sa apat na articles of impeachment.

Nauunawaan naman ni House Trial Spokesperson at Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co kung bakit mas interesado ang mga Pilipino sa bribery at confidential funds articles dahil ito ay patungkol sa pera ng bayan.

Facebook Comments