Naglabas ng abiso ang PAMANA Water-Dagupan City hinggil sa nakatakdang water service interruption at low to no water pressure sa ilang bahagi ng lungsod sa Miyerkules, Hunyo 3, bunsod ng mga maintenance at upgrading works sa kanilang water system.
Apektado mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ang kanang bahagi ng Rizal Extension mula St. Joseph Perez hanggang Zamora Extension, kabilang ang Harvest School. Isasagawa sa nasabing oras ang interconnection ng PVC pipe bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyo ng tubig sa lugar.
Samantala, mula alas-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon, inaasahang makakaranas ng mahina hanggang walang suplay ng tubig ang mga residente ng Bacayao Sur, Caranglaan, Mayombo, at mga karatig na lugar. Ayon sa PAMANA Water, isasagawa ang pag-upgrade ng variable frequency drive sa Bacayao Sur Pumping Station upang mapabuti ang operasyon ng kanilang pasilidad.
Pinapayuhan ng PAMANA Water ang mga apektadong konsyumer na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig bago ang nakatakdang gawain. Humingi rin ito ng pang-unawa at kooperasyon ng publiko habang isinasagawa ang mga proyektong layuning mapahusay ang serbisyo ng tubig sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







