
Naaresto na ng pulisya ang 3 suspek na nasa likod ng pamamaril sa lalaking kakatapos lang umattend ng kanyang graduation ceremony sa Kolihiyo ng Pantukan sa Davao de Oro noong June 25.
Kahapon, matagumpay na naaresto sa isinagawang hot pursuit operation ang lalaking gunman na positibong itinuro ng biktima sa pamamagitan ng rouge’s gallery ng pulisya.
Habang positibo ring itinuro ng mga saksi ang dalawa pa nitong kasamahan na kinabibilangan ng isang babae, na nasa sasakyan na ginamit ng mga suspek nang gawin ang krimen.
Narekober sa mga ito ang isang calibre .45 na baril, isang magazine na may lamang bala, isang magazine na walang laman, at ang gray na minivan na ginamit ng mga ito nang gawin ang pamamaril.
Sa ngayon ang nasabing naarestong suspek at nasa kustodiya na ng pulisya habang patuloy naman ang hot pursuit operation laban sa isa pang suspek.
Patuloy naman ang imbestigasyon at case build-up sa nasabing insidente.










