
Nagtipon ang mga miyembro ng Regional Peace and Order Council (RPOC) Region 1 para sa ikalawang kwarter na pagpupulong ng konseho na nakatuon sa pagpapalakas ng mga programa para sa kaligtasan ng publiko at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ng Dagupan city ang kanilang mga nagawa at patuloy na hakbangin sa pagsusulong ng mas ligtas at mas matatag na Region 1. Kabilang sa mga pangunahing paksa ang mga programa sa crime prevention, public security, emergency response, at disaster risk reduction and management.
Nagsilbi rin ang pagpupulong bilang mahalagang plataporma para sa mas pinaigting na koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang higit pang mapahusay ang mga estratehiya at mekanismo sa pagtugon sa mga hamon na may kaugnayan sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga ahensya at lokal na pamahalaan, inaasahang higit pang mapapalakas ang mga inisyatibong magbibigay ng proteksyon at kaunlaran sa mga komunidad sa buong Region 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










