Wednesday, June 24, 2026

𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘𝗦, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY- Nakipag pulong ang pamunuan ng Cauayan City Component Police Station sa mga paaralan sa lungsod ng Cauayan, bilang bahagi ng kanilang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at maiwasan ang anumang uri ng karahasan sa loob at labas ng mga eskwelahan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Police Lieutenant Coronel Jerry Castillo, Officer In Charge ng Cauayan City Component Police Station, sinabi nitong magkakaroon ng dagdag na police visibility, sa mga eskwelahan, lalo na sa oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral.

Dagdag pa niya, malaking bagay ang presensiya ng kapulisan upang bumaba ang mga naitataoang karahasan hindi lang sa lungsod, lalo na sa mga aralan.

Binigyang-diin ng pulisya na ang kaligtasan sa paaralan ay isang kolektibong responsibilidad ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga magulang, paaralan, lokal na pamahalaan, at kapulisan, inaasahang mapananatiling ligtas at maayos ang kapaligiran ng pag-aaral para sa lahat ng estudyante sa Cauayan City.

Facebook Comments