
Hindi na papayag ang National Police Commission (NAPOLCOM) na “kahit sino na lang ang maging pulis.”
Iyan ang binigyang-diin ni Commissioner Ralph Calinisan sa press conference kahapon, October 26, na dinaluhan ng isang criminology intern na nakuhanan ng litrato habang nagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet.
Isinusulong ng komisyon ang mas mahigpit na screening para sa mga nagnanais maging pulis, alinsunod umano sa kanilang trabaho na magbigay ng pinakamahusay na pulis para sa kaligtasan ng publiko.
Sa press conference, kinuwestiyon din ni Calinisan kung bakit kailangan pang hintayin ng mga awtoridad na maging pulis ang isang abusadong indibidwal, gayong puwede naman umano itong mapigilan sa pagkakasa ng background investigation.
Paalala ni Calinisan sa mga estudyanteng nagnanais maging pulis: ngayon pa lang, o habang nasa paaralan pa lamang, ay simulan nang sumunod sa mga umiiral na batas sa bansa.










