BUS NA BIYAHENG LAOAG-PAGUDPUD, NATUMBA SA BANGUI, ILOCOS NORTE; ISA PANG SASAKYAN, NADAMAY

Natumba ang isang bus na may rutang Laoag City-Pagudpud habang binabaybay ang bahagi ng National Highway ng Barangay Baruyen sa Bangui, Ilocos Norte, alas singko ng hapon noong October 24, 2026.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, habang tinatahak ng bus ang isang kurbadang bahagi ng kalsada ay nakaranas umano ito ng brake malfunction.

Sinubakan umano ng driver na maiwasan ang malalang pinsala upang hindi madamay ang pick up truck ngunit nawalan na rin ito ng kontrol.

Sa isang dashcam footage, makikita ang sinapit ng bus habang binabagtas ang nasabing daan bago ito nawalan ng kontrol at natumba.

Agad na naipagbigay-alam ang insidente sa pulisya, na rumesponde kasama ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Bangui.

Wala naman natamong pinsala ang dalawang driver habang dinala sa ospital ang hindi pa tukoy na bilang ng mga nasugatang pasahero ng bus at sakay ng isa pang sasakyan.

Kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga ito. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ukol sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments