Wednesday, October 7, 2026

Mahigit 428 libong indibidwal, apektado ng El Niño ayon sa NDRRMC

Umabot na sa kabuaang 428,687 na mga indibidwal o katumbas ng 115,246 na mga pamilya ang naiulat na naapektuhan ng El Niño sa bansa ayon ito sa NDRRMC.

Ang nasabing bilang ay partikular na naitala sa Region 2, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 at CARAGA.

Pinakamarami ang apektado sa rehiyon ng CARAGA na may 291,381 indibidwal, sinundan ng Bicol Region na may 49,216 at Region 2 na may 47,587.

Samantala, apat na lungsod o munisipalidad sa CARAGA ang nakararanas pa rin ng pagkaantala sa suplay ng tubig.

Kaugnay nito, nasa mahigit 201 thousand na magsasaka at mangingisda ang naiulat na naapektuhan ng matinding tagtuyot .

Habang nasa 5.5 billion pesos na halaga ang naiulat naman ng ahensya na napinsala dahil sa El Niño.

Facebook Comments