Gaganapin ngayong Oktubre 21 ang kauna-unahang Mayor’s Cup Pickleball Tournament sa Barangay Magsaysay, Alaminos City, alas-6 ng gabi.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng paligsahan na palakasin ang samahan ng mga manlalaro, itaguyod ang malusog na kompetisyon at palawakin ang komunidad ng pickleball sa lungsod.
Matatandaang noong Hunyo 2025, mahigit 150 manlalaro ang lumahok sa kauna-unahang pickleball tournament sa lalawigan na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen.
Mayroon ding mga pickleball club sa Pangasinan, kabilang ang Pangasinan Pickleball Club sa San Carlos at Urdaneta City Pickleball Club, batay sa tala ng Philippine Pickleball Federation.
Ang pickleball ay larong gumagamit ng paddle at plastik na bola sa isang court na halos kasinlaki ng badminton court. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











