Ang simulation exercise ay nilahukan ng School Division Office ng San Carlos City, kasama ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, mga guro, mag-aaral, at iba pang kawani ng paaralan.
Pagsasanay ito upang subukan at higit pang palakasin ang kahandaan ng paaralan at ng mga katuwang na ahensiya sa pagtugon sa isang posibleng active shooting incident. Sa isinagawang simulation, sinanay ang mga kalahok sa wastong komunikasyon, koordinasyon, lockdown, paglikas, at agarang pagtugon sa emerhensiya upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng nasa loob ng campus.
Ang naturang aktibidad ay kasunod ng paglulunsad ng DepEd ng nationwide active threat simulation drills, na pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara sa National Safe Schools Summit.
Ayon kay Angara, layunin ng programa na subukan ang mga emergency response protocol ng mga paaralan at hikayatin ang bawat pampublikong paaralan na bumuo ng sariling active threat response plan na naaayon sa kanilang sitwasyon at kapaligiran.
Nilinaw naman ng San Carlos City Police Station na ang isinagawang SIMEX ay isang awtorisadong pagsasanay lamang para sa paghahanda sa mga emerhensiya. Ang mga larawang inilabas mula sa aktibidad ay bahagi lamang ng simulation at hindi nagpapakita ng tunay na insidente ng pamamaril o anumang aktwal na banta sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








