MANAOAG, HOST NG MISS PEARL OF THE ORIENT PHILIPPINES 2026 NATIONAL COSTUME COMPETITION SA AGOSTO 11

Inihayag ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario noong Lunes na magiging host ang bayan ng Manaoag ng Miss Pearl of the Orient Philippines 2026 National Costume Competition at Cultural Fashion Show sa Agosto 11.

Ayon sa alkalde, gaganapin ang programa sa bagong itinayong Rizal Park sa harap ng Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag. Inanyayahan din niya ang publiko na dumalo sa naturang kaganapan.

Ang National Costume Competition at Cultural Fashion Show ay bahagi ng mga aktibidad ng Miss Pearl of the Orient Philippines 2026, na nakatakdang isagawa mula Agosto 10 hanggang 15.

Lalahok sa kompetisyon ang mga kandidata ng pageant upang ipakita ang kanilang mga national costume bilang bahagi ng patimpalak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments