BAHA, NAKAAPEKTO SA BIYAHE SA ILANG BARANGAY SA ALAMINOS CITY

Nanatiling hamon ang pagbiyahe sa ilang bahagi ng Alaminos City at hindi pa rin madaanan ng maliliit na sasakyan ang ilang kalsada at tulay bunsod ng mataas na lebel ng tubig.

Ito ay matapos inspeksyunin ng Alaminos City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ang mga pangunahing kalsada, tulay, at ilog para tignan ang lawak ng epekto ng pagbaha at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kabilang sa mga apektadong lugar ang Dimmayat Bridge sa Barangay Tangcarang, Sitio Ballasit sa Barangay Sabangan, Sitio Burigis sa Barangay San Vicente, gayundin ang De Leon Road, Sitio Putrido, at Everlasting Street sa Barangay Balayang.

Patuloy naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng DRRMO at mga lokal na opisyal sa mga apektadong barangay habang minomonitor ang pagtaas o pagbaba ng tubig.

Pinapayuhan naman nila ang publiko, lalo na ang mga motorista, na maging maingat at iwasang dumaan sa mga bahaging binaha upang maiwasan ang anumang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments