
Naitala ng Philippine Vulcanology and Seismology o Phivolcs ang maikling lava fountain sa summit crater o bunganga ng Bulkang Mayon kaninang alas-nuebe trenta y sais ng umaga.
Batay ito sa kuha ng PHIVOLCS Quick Response Team at ng Mayon Volcano Observatory.
Ito na ang ika-189 na magkakasunod na araw ng effusive eruption sa Bulkang Mayon na nagdudulot ng incandescent lava flows, pyroclastic density currents, o mas kilala bilang “uson,” at rockfalls.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa naturang bulkan at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-km permanent danger zone.
Facebook Comments










