Nagsagawa ng bi-annual deworming program ang health team ng Schools Division Office o SDO Dagupan City sa Judge Jose De Venecia Sr. Technical-Vocational Secondary School.
Pinangunahan ni Nurse-in-Charge Noreen B. Vidal, kasama ang health team at mga student nurse na ang pamamahagi ng deworming tablets sa mga mag-aaral.
Isinagawa ang aktibidad room-to-room upang direktang mabigyan ng gamot ang mga estudyante bilang bahagi ng regular na health program na isinasagawa dalawang beses kada taon sa mga pampublikong paaralan.
Layunin ng programa na makatulong sa pag-iwas sa parasitic infections na maaaring magdulot ng malnutrisyon, anemia at pagkaantala sa pisikal na paglaki at pag-unlad ng mga kabataan.
Ayon kay Vidal, mahalaga ang regular na deworming upang mapanatiling malusog ang mga mag-aaral at mabawasan ang pagkakasakit na maaaring makaapekto sa kanilang pagpasok at pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










