HALOS 4,000 MAG-AARAL SA BAYAMBANG, MAKATATANGGAP NG LIBRENG FRESH MILK

Nagsimula ang pamamahagi ng libreng sariwang gatas para sa mga mag-aaral ng kindergarten at Grade 1 sa 50 pampublikong paaralan sa Bayambang.

Isinasagawa ang programa sa pamamagitan ng Bayambang Dairy Farm ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI), katuwang ang Municipal Nutrition Action Office.

Tinatayang 3,874 na mag-aaral ang inaasahang makikinabang sa programa, na ipatutupad sa loob ng sampung araw sa pamamagitan ng araw-araw na paghahatid ng fresh milk sa mga paaralan.

Layunin ng inisyatiba na makatulong sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga bata at masuportahan ang kanilang malusog na paglaki at pagkatuto, bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang para sa kalusugan at kapakanan ng mga kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments