
Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang impormasyon sa isang kumakalat na artikulo.
Ito ay kaugnay ng umano’y hiling ni CHED Chairperson Shirley Agrupis na palitan si DepEd Secretary Sonny Angara bilang Head ng Philippine delegation to the 14th ASEAN Education Ministers Meeting and Related Meetings sa Singapore.
Sa joint statement ng dalawang ahensya, kailanman ay hindi umano hiniling ni Agrupis na mamuno sa Philippine delegation o palitan si Angara bilang head ng delegation.
Samantala, siniguro naman ng dalawang ahensya na patuloy silang magturulungan para sa ikabubuti ng kalidad ng edukasuon sa bansa at sa patuloy na pagpapalakas ng partisipasyon ng Pilipinas sa ASEAN meetings.
Facebook Comments










