Nagsagawa ang pamahalaang bayan ng Calasiao ng municipal-wide clean-up drive noong Hulyo 30, 2026.
Batay sa ulat, alinsunod umano ito sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at pagpapaigting ng kahandaan ng komunidad laban sa mga sakuna.
Sinuyod ng mga kalahok ang plaza at iba pang pangunahing lugar sa bayan upang alisin ang mga naglalakihang damo, basura, at iba pang sagabal na maaaring magdulot ng pagbaha at panganib sa panahon ng kalamidad.
Ayon sa LGU, layunin ng aktibidad na mabawasan ang disaster risks sa pamamagitan ng paglilinis at pag-aalis ng mga debris sa mga pampublikong lugar.
Bahagi rin ng clean-up drive ang pagsusulong ng Republic Act No. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 para sa maagap na paghahanda sa harap ng sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







