DAGUPAN CITY, NAGBUKAS NG LIBRENG INSTRUMENTAL MUSIC PROGRAM PARA SA MGA KABATAAN

Nagbukas ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ng libreng Dagupan City Youth Instrumental Music Program bilang pagkakataon para sa mga kabataang Dagupeño na malinang ang kanilang talento sa musika.

Bukas ang programa sa mga kabataang edad 15 hanggang 18 taong gulang na residente ng Dagupan City. Hindi kinakailangan ang karanasan sa pagtugtog ng anumang instrumento dahil magkakaroon ng simpleng assessment upang matukoy kung aling instrumento ang angkop sa kakayahan at interes ng bawat kalahok.

Gaganapin ang mga pagsasanay sa Dagupan City Teen Center sa Poblacion Oeste tuwing Lunes at Biyernes, alas-3:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi, at tuwing Sabado, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Hinimok ng pamahalaang lungsod ang mga kabataang may interes sa musika na samantalahin ang libreng programa upang mapaunlad ang kanilang talento at matutong tumugtog ng iba’t ibang instrumentong pangmusika.

Maaaring magparehistro ang mga interesadong kalahok sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na makikita sa opisyal na poster ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments