Mas mapapalakas ang kabuhayan ng mga mangingisda at magiging mas episyente ang distribusyon ng isda sa Hilagang Luzon matapos ang rehabilitasyon at modernisasyon ng PFDA-Sual Fish Port.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), layunin ng proyekto na mabawasan ang post-harvest losses, mapanatili ang kalidad ng mga huling isda, at mapahusay ang cold chain system upang mas maraming sariwa at abot-kayang produktong isda ang makarating sa mga pamilihan at mamimili.
Kabilang sa mga bagong pasilidad ng pantalan ang pinalawak na pantalan at trading hall, apat na cold storage units na may kabuuang kapasidad na 200 metriko tonelada, blast freezers, chiller rooms, flake ice-making facilities, fish processing area na kayang magproseso ng hanggang walong metriko tonelada ng produkto bawat araw, wastewater treatment plant, 90-kilowatt solar photovoltaic system, at mas maayos na mga kalsada at iba pang pasilidad.
Inaasahan ding mapapabilis ang pagdaong ng mas malalaking fishing at transport vessels, na magpapahusay sa pagdadala ng mga produktong dagat mula sa mga landing site patungo sa mga pamilihan sa Pangasinan at mga karatig-lalawigan.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na ang modernisasyon ng mga pangunahing fish port ay mahalagang hakbang upang mapatatag ang food supply chain ng bansa at mapataas ang kita ng mga mangingisda sa pamamagitan ng mas mahusay na post-harvest facilities at trading systems.
Ang naturang fish port ang pangunahing pasilidad ng PFDA sa Hilagang Luzon na nagsisilbing sentro ng kalakalan ng mga isdang nagmumula sa Lingayen Gulf, West Philippine Sea, at baybayin ng Ilocos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments