
Pinatutukoy ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian ang mga paaralan sa buong bansa na kulang sa kalinisan at walang access sa malinis na tubig.
Batay sa Year Two Report ng EDCOM II, aabot sa 1,000 mga paaralan ang hanggang ngayon ay walang maayos na palikuran.
Binigyang-diin ni Gatchalian na ang sapat na tubig, sanitation at hygiene (wash) facilities sa lahat ng public schools ay hindi dapat ginagawang optional.
Mahalaga aniya ito para sa kalusugan, dignidad at kaligtasan ng mga estudyante lalo ngayong balik-eskwela na sa mga paaralan.
Sinabi ng mambabatas na hindi ito katanggap-tanggap sa isang bansang pinahahalagahan ang edukasyon bilang pangunahing karapatan ng lahat ng mga Pilipino.
Facebook Comments