Sitwasyon ng Pinay caregiver na nasa kritikal na kondisyon matapos tamaan ng bomba sa Israel, tinututukan ng Philippine Embassy

Tinututukan ng Philippine Embassy sa Israel ang kalagayan ng isa sa mga Pilipinong nasugatan sa retaliation ng Iran sa Israel.

Partikular na tinututukan ng embahada ang Filipina caregiver na nananatiling nasa kritikal matapos magtamo ng severe injuries sa puso at baga.

Ang naturang Pinay ay patuloy na tinututukan sa intensive medical care unit ng Shamir Medical Center sa Israel.

Ayon sa Philippine Embassy, ginagawa na ng mga doktor at nurses ang lahat ng kanilang magagawa para maisalba ang buhay ng Filipina caregiver.

Sa ngayon, patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga Pinoy na tinatamaan ng mga bombang pinakakawalan ng Iran laban sa Israel.

Nakahanda na rin ang shelter na pansamantalang lilipatan ng iba pang Pinoy na nasaktan sa missile attack, sa sandaling makalabas na sila ng ospital.

Facebook Comments