Monday, June 8, 2026

Petition for bail, ihihirit sa korte ng kampo ng contractor na si Curlee Discaya na humaharap sa non-bailable na kasong malversation of public funds dahil sa flood control scandal

Gagawin ng kampo ni Curlee Discaya ang lahat ng legal remedy para makapagpiyansa at pansamantalang makalaya ang contractor na isinasangkot sa mga maanomalyang flood control projects.

Kasunod na rin ito ng pagprisinta kay Discaya sa Malolos Regional Trial Court (RTC) para sa commitment order at upang malaman kung saan siya ikukulong.

Si Discaya ay humaharap sa non-bailable na kasong malversation of public funds dahil sa maanomalyang flood control projects sa Calumpit, Bulacan.

Ayon kay Atty. Cornelio Samaniego III, abogado ni Discaya, hindi malakas ang kaso laban sa contractor kaya’t kahit non-bailable ito ay susubukan nilang kumbinsihin ang korte na mapalaya ang kaniyang kliyente.

Kanina ay iprinisinta sa korte si Discaya matapos arestuhin sa Senado para sa commitment order.

Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR) Chief Police Brigadier General John Guiagui na sa sandaling maglabas ang korte ng commitment order ay ihahatid na nila si Discaya sa piitan.

Nanawagan din si Guiagui sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Norberto Santos at Merg Jaron Caparas Laus, na sangkot sa flood control scandal at nananatiling at-large, na sumuko na.

Facebook Comments