Pre-nup video nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, inilabas na

161

Gamit ang #JessGotLucky, opisyal nang isinapubliko ng aktor/host na si Luis Manzano at sexy-actress si Jessy Mendiola ang kanilang pre-nup video na kinunan sa Amanpulo, Palawan.

Looking sexy and hot pa rin ang soon-to-be bride habang hindi naman naitago ni Luis ang kaniyang funny side.


Dahil dito, maraming netizen ang humanga sa kanilang video at ang iba ay napasabi na lamang ng sana all.

Suportado naman ng veteran actress at politician na si Vilma Santos ang wedding ng kanyang anak kung saan ay pahapyaw na itong nagre-request ng apo mula sa kanila.

Matatandaang Disyembre 12, 2020 na-engage sina Luis at Jessy matapos ang apat na taong relasyon.

Facebook Comments