Dinaluhan ng 121 kalahok mula sa mga lokal na negosyong pangpagkain ang seminar na inorganisa ng Rural Health Unit noong Oktubre 12, 2026. Lumampas ito sa itinakdang target na 100 kalahok.
Tinalakay sa aktibidad ang wastong pamamahala ng solid waste, tamang at mga kailangan para makakuha ng business permit, mga pamantayan sa gusali at sanitasyon, pati mga alituntunin sa pagpaplano at pagpapaunlad ng mga establisimyentong naghahanda at naghahain ng pagkain.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga kinatawan ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Business Permits and Licensing Office, Municipal Engineering Office, Municipal Planning and Development Office, at mga sanitary inspector ng Rural Health Unit.
Layunin ng seminar na matiyak na nauunawaan ng mga food handler ang mga regulasyong dapat sundin sa kanilang mga negosyo, lalo na sa mga usapin ng kalinisan, sanitasyon, at pagtupad sa mga kinakailangan ng lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapalalakas ang pagsunod ng mga negosyong pangpagkain sa itinakdang pamantayan, na mahalaga sa pagprotekta sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








