Wednesday, October 14, 2026

CANAL CLEARING SA MANGALDAN, ISINAGAWA BILANG PAGHAHANDA SA WET CROP 2026

Isinagawa ang canal clearing at paglilinis sa paligid ng Lateral Canal A sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan, bilang bahagi ng paghahanda ng mga magsasaka para sa Wet Crop 2026.

Pinangunahan ni Pangulong Juanito Espanol ng Timpuyog Daguiti Irrigators Association to Region I (TIARI), Inc. ang aktibidad sa pakikiisa ng mga kasapi ng asosasyon.

Layunin ng paglilinis na mapanatiling maayos ang daluyan ng tubig, maiwasan ang pagbabara at posibleng pagbaha, at mapangalagaan ang kalinisan ng irigasyon.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na isinasabuhay ng asosasyon at ng mga magsasaka ang diwa ng bayanihan at disiplina upang makatulong sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran.

Inaasahang makatutulong ang nasabing aktibidad sa paghahanda ng mga magsasaka para sa wet cropping season ng 2026, lalo na sa pagpapanatili ng maayos na daluyan ng tubig na mahalaga sa kanilang mga pananim. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments