Friday, October 9, 2026

Investment potential ng Pilipinas, inilatag ni PBBM sa Forbes Global CEO Conference sa Singapore

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga dayuhang negosyante na mamuhunan sa Pilipinas, kasabay ng paglalatag ng mga oportunidad sa negosyo at mga hakbang para mapadali ang pagnenegosyo sa bansa.

Sa Forbes Global CEO Conference sa Singapore, ibinida ng pangulo ang potensyal ng Pilipinas sa artificial intelligence, digital technology, renewable energy, manufacturing, imprastraktura at healthcare.

Kabilang sa mga bentahe ng bansa ang batang manggagawang may kasanayan, lumalaking merkado at estratehikong lokasyon sa ASEAN.

Ayon sa pangulo, pinapasimple ng pamahalaan ang mga proseso sa negosyo, inaayos ang sistema ng buwis at nagbibigay ng insentibo sa mga mamumuhunan.

Layunin ng administrasyon na makahikayat ng mga bagong pamumuhunan na magdadala ng trabaho, teknolohiya at dagdag na oportunidad sa mga Pilipino.

Facebook Comments