Kasabay ng pamamahagi ng ayuda, nagsagawa rin ng lingguhang diyalogo ang lokal na pamahalaan upang alamin ang mga hinaing at pangangailangan ng mga mamamayan.
Binigyang-pansin din sa programa ang kahalagahan ng kahandaan sa sakuna sa pamamagitan ng isang lektura na pinangunahan ni Jeffrey Santillan Domantay mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).
Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo sa mga hakbang na dapat gawin upang maprotektahan ang kanilang sarili at pamilya sa oras ng kalamidad.
Nakiisa rin sa pagsasagawa ng programa ang City Social Welfare and Development Office at City Treasurer’s Office upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong.
Binigyang-diin naman sa aktibidad ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga natutunan sa disaster preparedness at pagtutulungan ng bawat mamamayan upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







