TOP 3 REGIONAL MOST WANTED SA DALAWANG KASO NG MURDER, ARESTADO SA VILLASIS, PANGASINAN

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang lalaking kabilang sa Top 3 Regional, Top 1 Provincial, at Top 4 Municipal Most Wanted Person dahil sa dalawang bilang ng kasong murder sa Villasis, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto dakong alas-10:20 ng umaga noong Oktubre 7, 2026 sa pamamagitan ng magkasanib na operasyon ng Villasis Municipal Police Station bilang lead unit, Regional Intelligence Unit 1, Bani Municipal Police Station, at Pura Municipal Police Station ng Tarlac Police Provincial Office.

Ang suspek ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong murder.

Inilabas ang warrant of arrest laban sa akusado noong Setyembre 29, 2026 ni Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 50 sa Villasis, Pangasinan, na walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang nauunawaan niya.

Dinala siya sa Villasis Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagproseso bago iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments