ALAMINOS CITY CIVIL REGISTRY OFFICE, 2ND PLACE SA 2025 OUTSTANDING LCRO AWARD

Kinilala ang Alaminos City Civil Registry Office bilang 2nd Place sa 2025 Outstanding Local Civil Registry Office o LCRO, Extra Large Category, sa ginanap na 5th National Convention on Civil Registration and Vital Statistics.

Itinuturing na malaking karangalan ang pagkilalang ito para sa Lungsod ng Alaminos dahil kabilang ang Civil Registry Office nito sa mga tanggapang mahusay sa pamamahala at paghahatid ng mahahalagang serbisyong may kaugnayan sa civil registration at vital statistics.

Sa ilalim ng pamamahala ni Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste, patuloy na binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang episyente, mabilis at maaasahang serbisyo publiko.

Pinamumunuan naman ni City Civil Registrar Lovely Milles ang Alaminos City Civil Registry Office na nakakuha ng ikalawang puwesto sa Extra Large Category, na kinabibilangan ng mga tanggapang humahawak ng malaking bilang ng mga dokumento tulad ng birth, marriage at death records.

Bukod dito, itinanghal ding Champion ang Alaminos City Civil Registry Office sa Naimpusuan a Panagserbi Award, na higit pang nagpapatunay sa mahusay na serbisyong ibinibigay ng tanggapan sa mga Alaminoseno.

Ang pagkilala ay patunay sa pagsisikap ng administrasyong Celeste na itaas ang kalidad ng serbisyo ng City Government, partikular sa mga serbisyong direktang mahalaga sa pagkakaroon ng legal na pagkakakilanlan at access ng mga mamamayan sa iba’t ibang serbisyo at benepisyo ng pamahalaan.

Malaking karangalan ito para sa Alaminos City at isang patunay na sa pamamahala ni Mayor Arth Bryan Celeste, ang mahusay, episyente at makataong serbisyo publiko ay patuloy na isinusulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments