FAKE NEWS SA BAKUNA, PINABABANTAYAN NG DOH; CONSENT FORM SA LIGTAS TIGDAS, NILINAW

Nagpaalala sa publiko ang mga health authorities na huwag basta maniwala sa mga impormasyong kumakalat online kaugnay ng pagbabakuna, lalo na sa mga batang kabilang sa kampanyang Ligtas Tigdas. ‎
‎Ayon sa paalala, mahalagang suriin muna ang impormasyon bago maniwala o magbahagi ng mga post sa social media upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.
‎ ‎Ipinaliwanag din na ang consent o pirma ng magulang o guardian ay isang pahintulot para mabakunahan ang bata matapos maipaliwanag ang proseso ng pagbabakuna. ‎
‎Binigyang-diin na ang paglagda sa consent form ay hindi nangangahulugang delikado ang bakuna. ‎ ‎Ito ay bahagi ng proseso upang maipakita na may pahintulot ang magulang o legal na guardian para sa pagbabakuna ng bata. ‎ ‎Hinikayat ang mga magulang at guardian na magtanong nang direkta sa mga health worker para sa tama, malinaw at mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa bakuna. ‎
‎Sa huling tala ng tanggapan, umabot na sa higit 101,000 ng target population ang mga batang nabakunahan laban sa tigdas at rubella sa buong Region 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments