38 agrarian reform beneficiaries sa Zambales nakatanggap na ng kanilang certificate of land ownership of award mula sa DAR ayon sa Malacañang

Nasa 38 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa bayan ng Palauig sa lalawigan ng Zambales ang nakatanggap ng kanilang certificates of land ownership of award mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) at sa provincial office ng Zambales.

Ito ay bahagi ng mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibahagi ang mga lupa sa mga magsasaka na walang lupain.

Ipinag-utos din ng pangulo na magbigay ang DAR ng mga serbisyong nagbibigay suporta para masiguro na mapabubuti ng mga magsasaka ang kanilang kabuhayan.


Facebook Comments