16 KASO NG CHILD IN CONFLICT WITH THE LAW SA CALASIAO, NAITALA SA UNANG KWARTER NG 2026

Umabot na sa 16 na kaso ng Child in Conflict with the Law (CICL) ang naitala ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Calasiao mula nang magsimula ang taong 2026.

Kabilang sa mga naitalang insidente ang panloloob umano ng ilang menor de edad sa isang paaralan sa bayan kung saan tinangay ang mga faucet at pinasok ang ilang silid-aralan.

Ayon kay Susanna April Catungal-Pineda, tuloy-tuloy ang mga aktibidad at intervention program para sa mga CICL na nasa pangangalaga ng kanilang tanggapan.

Binigyang-diin din ng opisyal ang mahalagang papel ng mga magulang sa paggabay at pagdidisiplina sa mga kabataan upang maiwasan ang pagkakasangkot ng mga ito sa paglabag sa batas.

Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga menor de edad na sangkot sa insidente sa paaralan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng paaralan ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa loob at paligid ng campus upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments