Mahigit 140,000 smishing messages, naharang ng Globe noong Pebrero at Marso

25

May kabuuang 142,575 smishing messages ang naharang ng Globe noong Pebrero at Marso ngayong taon, kung saan matagumpay na na-detect ng proactive filter system sa network nito ang mga mensahe na iniuugnay sa panloloko.

Patuloy na pinalalakas ng kompanya ang security tools at platforms nito upang madagdagan ang detection at blocking capabilities laban sa illegal SMS at web blaster devices.

Pinagana rin ang reporting channels at processes para sa Globe employees, customers, at partners upang kagyat na makopo at maibahagi ang impormasyon o alalahanin hinggil sa  fraud at scams.


“Smishing occurs mainly through mobile text messaging, in which scammers attempt to mislead victims into giving away their personal data. Scammers then use this data to take over a victim’s financial accounts,” paliwanag ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.

Aniya, nakikipagtulungan ang kompanya sa gobyerno at industry stakeholders, partikular sa banta sa intelligence sharing initiatives, gayundin sa awareness campaigns via SMS, website at social media channels upang regular na ma-update ang publiko hinggil sa  spams at scams.

Noong Marso ng kasalukuyang taon, inilatag ng  Globe sa Bankers Association of the Philippines (BAP) ang “framework of cooperation that aims to establish sharing of data and intelligence between Globe and BAP member-banks for fraud detection and prevention.” Ang unang Memorandum of Agreement ay nilagdaan sa pagitan ng Globe at ng Unionbank noong Marso 25, 2022.



Tinutukan ng Globe ang internet safety at cybersecurity programs sa nakalipas na mga taon. Noong 2021 ay naharang ng kompanya ang kabuuang 1.15 billion scam at spam messages, 7,000 mobile numbers na iniuugnay sa scammers, at 2,000 unofficial social media accounts at phishing sites.

Muling hinimok ni Bonifacio ang mga customer na i-report ang scam messages sa pamamagitan ng spam reporting mechanism ng Globe sa website nito via  https://www.globe.com.ph/stop-spam.html.


Ang reporting form ay available din sa GlobeOne App at Facebook Messenger ng Globe at sa lahat ng agent-assisted channels.

Ang mga Android phone user ay maaari rimg maglagay ng  spam filters sa kanilang Android devices sa pag-download sa “Messages” app ng

Google bilang kanilang default Android SMS messenger. Ang messaging app na ito ay may Spam Protection setting na maaaring paganahin para harangin ang  unwanted o unsolicited messages.

Ang pagsisikap ng Globe laban sa  smishing ay bahagi ng layunin nito na protektahan ang technological innovations, na mapanganib sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakahanay ito sa commitment nito sa infrastructure at innovation targets sa ilalim ng United Nations Sustainable Development Goals.

Facebook Comments