172 LAW VIOLATORS, NAARESTO SA 1-DAY SACLEO NG PRO2; 46 NPA, SUMUKO

Cauayan City, Isabela- Kabuuang 167 law violators ang naaresto ng mga awtoridad sa 24-hour regionwide simultaneous law enforcement operations against illegal drugs, wanted persons, loose firearms, illegal logging at apatnapu’t anim (46) na New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko kahapon, Pebrero 28, 2022.

Sa bisa ng Search Warrant at buy-bust operations, sampung (10) drug personalities ang nadakip matapos makuha sa kanila ang nasa 11.9 grams ng shabu at 5 gramo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P77,000.

Bukod dito, arestado naman ang pitong (7) suspek at nakumpiskahan ng 13 baril at nahaharap sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Sa hiwalay na paghahain ng search warrant, nakumpiska ang dalawang explosive devices at 42 na firearms sa ginawang police operations.

Sa parehong araw rin, walumpu’t apat kabilang ang limang (5) top most wanted person at pitumput siyam (79) na indibidwal ang naaresto dahil sa nakabinbing warrant of arrest.

Samantala, sumuko naman ang nasa anim (6) na miyembro ng makakaliwang grupo, apat (4) ang mula sa Barrio at tatlumpu’t anim (36) na CTG supporters.



Pinuri naman ni PRO2 Regional Director, PBGen. Steve Ludan ang efforts ng operating teams na nagresulta ng matagumpay na operasyon.

Facebook Comments