Pormal nang pinasinayaan ang bagong Child Development Center sa Sitio Pandayan, Barangay Poblacion, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan sa dekalidad na edukasyon at kapakanan ng mga kabataan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, Layunin nitong mabigyan ang mga batang mag-aaral ng ligtas, maayos, at komportableng lugar kung saan sila maaaring matuto, mangarap, at maihanda ang kanilang sarili para sa mas magandang kinabukasan.
Ipinahayag din na ang bagong pasilidad ay bahagi ng patuloy na pamumuhunan ng lungsod sa sektor ng edukasyon at sa paghubog ng kabataang magiging responsable at handang harapin ang mga hamon ng hinaharap.
Patuloy namang tiniyak ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa edukasyon at magpapabuti sa kalidad ng buhay ng bawat pamilyang Alaminian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










