18 BAGONG SASAKYAN, IDARAGDAG SA DISASTER AT EMERGENCY RESPONSE NG MGA BARANGAY SA SAN NICOLAS

Labingwalong bagong patrol vehicles ang nakatakdang i-turn over sa mga barangay ng San Nicolas, Pangasinan bilang karagdagang sasakyan para sa kanilang pang-araw-araw at emergency operations.

Bawat unit ay may 910-kilogram payload capacity, na maaaring gamitin sa pagdadala ng mga kagamitan, relief supplies at iba pang pangangailangan ng komunidad.

Bukod sa pagpapatrolya at peace and order operations, maaari ring i-deploy ang mga sasakyan sa panahon ng kalamidad, emergency response at pag-alalay sa mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong.

Inaasahang makatutulong ang 18 bagong sasakyan upang mapabilis ang pagresponde ng mga barangay, partikular sa mga lugar na nangangailangan ng agarang deployment ng personnel, kagamitan at supplies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments