Isang bahay sa Sitio Binulalo, Barangay Talogtog, Mangaldan, Pangasinan ang matinding napinsala matapos mabagsakan ng malaking puno kasunod ng malakas na ulan at pabugso-bugsong hangin.
Nakatira sa bahay ang isang Person with Disability o PWD kasama ang kanyang pamilya na agad inalalayan ng mga responder matapos ang insidente.
Samantala, magkakasunod ding insidente ng pagbagsak ng puno ang naitala sa ilang bahagi ng Mangaldan, kabilang ang Barangay Talogtog, Pogo at Salaan.
Nagsagawa ng clearing operations ang Mangaldan Quick Response Team at MDRRMO upang alisin ang mga punong humarang sa mga kalsada at maiwasan ang panganib sa mga dumaraang motorista.
Patuloy namang nakaantabay ang mga disaster response team habang mino-monitor ang mga barangay na posibleng makaranas pa ng pagbagsak ng puno at iba pang insidente dulot ng Habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










