RICE PRICE CEILING SA MGA PAMILIHAN SA INFANTA, TINIYAK NA NASUSUNOD

Tiniyak ng Office of the Market and Slaughter House ang kanilang price monitoring sa mga pamilihan para sa mahigpit na pagpapatupad ng itinakdang maximum retail price (MRP) ng imported na bigas.

‎Ininspeksyon ang mga tindahan at rice retailers sa umiiral na price ceiling.


‎Tinitiyak din na hindi naaabuso ang mga mamimili at naibibigay ang tamang presyo sa mga pangunahing bilihin.

Bukod sa presyo ng bigas, sinuri rin ang suplay ng nga produkto at pagsunod ng mga negosyante sa mga alituntunin ng pamahalaan hinggil sa patas na kalakalan.


‎Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang market inspection para siguraduhing abot-kaya ang presyo ng bigas at maprotektahan ang mga mamimili maging ang sapat na suplay ng pagkain sa Infanta. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments