Dalawang stranded na indibidwal ang matagumpay na nailigtas sa Barangay Lower Tumapoc, Burgos, La Union kasabay ng matinding pagbaha dulot ng nagpapatuloy na sama ng panahon.
Ayon sa ulat, umabot na sa 188 pamilya ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa baha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng lalawigan.
Samantala, nagsagawa naman ng clearing operations ang mga awtoridad sa Naguilian, La Union upang alisin ang mga natumbang puno na humarang sa mga kalsada.
Patuloy rin ang pagbabantay at pagtugon ng mga kinauukulang ahensya sa mga lugar na apektado ng masamang panahon.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng mga lokal na pamahalaan, at agad lumikas kung kinakailangan upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang nararanasang sama ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










