Bakunahang Bayan, palalawigin ng DOH

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na extended hanggang sa October 1 ang “Bakunahang Bayan”.

Ito ay matapos na ma-postpone ang national vaccination campaign sa Luzon dahil sa Bagyong Karding.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nagpalabas na sila ng department memorandum na nag-aalis sa suspension ng Bakunahang Bayan sa mga lugar na dinaanan ng super typhoon.


Habang nagpatuloy naman ang bakunahan sa Visayas at Mindanao.

Una nang naglunsad ang DOH ng special vaccination days dahil sa mababang bilang ng mga nagpapaturok ng booster shots.

Facebook Comments