Isa patay, habang dalawa ang nawawala dahil sa flash flood sa kasagsagan ng Bagyong Karding sa Tanay, Rizal

217

Nasawi ang isang lalaki matapos malunod, habang dalawa ang nawawala dahil sa flash flood sa Tanay, Rizal sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Ayon kay Tanay Police Chief Lieutenant Colonel Rodolfo Santiago II, apat na indibidwal na sina Arthur Panes, Aimy Panes, Carlo Laurel at Aika Laurel na pawang mga residente ng Barangay San Isidro ay tinangay ng flash flood, habang tumatawid sa isang ilog.

Natagpuang patay si Arthur Panes kahapon ng umaga sa isang bahagi ng ilog sa Barangay Cayabu.


Habang, nasagip naman ng mga rescuer si Aika Laurel na nakakapit sa mga halamang kawayan sa gilid ng ilog.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang kasamahan nila.

Facebook Comments