
Nasa P1.5-B cash ang nakataldang ipapamahagi ng Department of Transportation o DOTr para sa Public Transportation Modernization Program o PTMP.
Ayon kay DOTr Sec. Banoy Lopez, ang naturang halaga ay para sa amortization assistance ng PTMP.
Ilan kasi aniya sa mga nakabili ng modern jeep para sa modernization program ay hirap bayaran ang kanilang unit dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.
Nasa P20,000 kada buwan ang ipapamahagi ng DOTr sa mga modern jeepney drivers at operators na dagdag panghulog sa kanilang modern jeep.
Samantala, isasama na rin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa kanilang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT Program ang transport sector.
Sinabi ni Lopez, habang pinag-aaralan ng DSWD na magbigay ng second wave ng P2,000/family na cash assistance ay isasali na rin dito ang mga nasa transport sector.
Inaasahang makikinabang dito ang nasa 200,000 public utility vehicle (PUV) drivers at operators.










