Heart Evanglelista, sinagot na ang netizens na nagsabing edited ang kaniyang beach photo

59
Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Sinagot na ng aktres na si Heart Evangelista ang mga netizens na pumuna sa kaniyang larawan na suot ang isang sexy orange bikini.

Ito ay matapos mag-trending ang kaniyang Instagram post kung saan inilantad ni Heart ang kanyang magandang pangangatawan habang nakahiga sa white sand sa isang beach resort.


Bagama’t marami ang pumuri sa kinis at kaseksihan ng aktres may ilan ding netizens ang nagsabing “edited” at “filtered” ang litrato niya.

Tahasan naman itong sinagot ng aktres at sinabing walang halong daya ang kanyang hubog ng katawan.

Pinagpaguran din daw niya ang pagiging physically fit ngayon.

Sa kabila naman ng ibang mga pumuna kay Heart, dumagsa rin ang positibong comments tungkol sa pagpapakita ng aktres ng kanyang bikini body.



Facebook Comments