Isang lalaki, arestado sa pagpapaputok ng baril sa Maynila

Kalaboso ang isang lalaki matapos na isumbong makaraang magpaputok ng baril sa Maynila.

Nakilala ang suspek na si Leonardo Colana, 69-anyos, walang trabaho at residente ng M. Dela Fuente Street sa Sampaloc, Manila.

Nasakote ang suspek ng mga tauhan ng MPD Station-4 habang nakatambay sa labas ng bahay nito.


Huli sa akto ang suspek habang pinapaputok ng limang beses ang hawak nitong baril.

Nakumpiska sa kaniya ang isang .38 na kalibre na baril na kargado ng isang bala at limang basyo nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na walang kaukulang dokumento ang suspek hinggil sa hawak nitong baril kaya’t inaalam na kung paano siya nakakuha nito.

Facebook Comments